Una sa Balita

Bagong Batwoman, tomboy

By
0 592

Pinakita na ng CW Network ang first look ng bagong DC series na Batwoman kung saan bida ang Australian model-actress na si Ruby Rose.

Gaganap si Ruby Rose bilang si Kate Kane, ang super heroine ng Gotham City.

Sa pagkaka-describe ng CW sa role na Kate: “She is an out lesbian and trained street fighter primed to snuff out Gotham City’s criminal resurgence. But don’t call her a hero yet. In a city desperate for a savior, Kate must overcome her own demons before embracing the call to be Gotham’s symbol of hope.”

Sa ni-release na first look photo ni Batwoman, makikita si Ruby Rose na may signature fire-red hair na tulad ng nasa comics version nito. Ang kanyang black and red suit ay designed ng 4-time Academy Award winner na si Coleen Atwood.

Unang lalabas si Batwoman sa upcoming Arrowverse crossover ng mga DC heroes na sina Supergirl, Arrow at The Flash.
Magsisimula ang three-night crossover sa December 5. Ang spinoff series na Batwoman naman ay magsisimula pa sa 2019.

Openly gay si Ruby Rose at ina-identify niya ang kanyang sarili bilang gender-fluid tulad ng naging character niya sa series na Orange Is The New Black.

“I feel like the reason I kept getting so emotional is that growing up, watching TV, I never saw someone on TV that I could identify with, let alone a superhero, you know? Whenever you’re bringing change about in any form, there are always conversations that happen,” pagtapos pa ni Ruby Rose.