Una sa Balita

Bagong barko ng Navy

By
0 178

Dumaong na sa Davao City ang pinakabagong barko ng Philippine Navy na BRP Andres Bonifacio.

Dumaong sa lugar ng Philippine Ports Authority ang warship na donasyon ng Estados Unidos.

Kumpleto sa modernong mga armas, hangar at flight deck para sa helicopter operation ang BRP Andres Bonifacio.

Magagamit ang nasabing barko para sa rescue at combat operation at maritime protection ng bansa.

Sakay ng barko ang 47 graduating cadets ng Phi­lippine Military Academy (PMA), anim na officers at 90 enlisted officers.

May mini hospital, tatlong mess hall at 25 na mga kuwarto ang natu­rang barkong pandigma.

Nasa Davao ang mga crew ng barko upang sanayin ang mga kadete ng PMA at ipakita sa publiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy