Una sa Balita

Bagong Australian PM nangakong wala nang kudeta

By
0 288

NANGAKO ang bagong prime minister ng Australia na si Scott Morrison na magkakaroon na ng katahimikan sa politika upang matuon na nila ang atensyon sa paninilbihan sa mamamayan.

Sinabi ito ni Morrison matapos maluklok na ika-apat na prime minister ng Australia sa loob lamang ng isang dekada.

May ilang linggo rin na nag-alburuto ang mga miyembro ng Liberal Party na naging daan para masipa sa puwesto si da­ting Prime Minister Malcolm Turnbull noong Biyernes.

“We will provide the stability and the unity and the direction and the purpose that the Australian people expect of us,” ani Morrison.

“The work of government continues. I want to assure all Australians that those normal wheels are turning,”dagdag pa niya.