Una sa Balita

Bagong 5 pisong barya, nakakalito

By
0 1,677

Dahil sa posibleng kalituhan na idulot sa publiko, nanawagan si Senador Nancy Binay sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ikonsidera na pansamantalang itigil ang planong pagpapalabas ng mga barya sa Enero 2018.

Ayon kay Binay, nakakalito ang limang pisong barya na una nang inilabas ng BSP ngayong buwan.

“It is best to keep an eye on those new five peso coins. Lalo na doon sa mga nanunukli ng barya sa tricycle, jeep, tindahan at mga maliliit na negosyo. Sobrang nakakalito ang bagong limang piso na halos magkasing-hawig at laki lang ito ng piso,” saad ni Binay. 

Inihayag ng senador na marami na ang nagpahayag ng kalituhan dahil halos magkapareho ng laki ang bagong limang piso at ang kasalukuyang pisong barya. Ang bagong limang pisong barya ay may mukha ni Andres Bonifacio kapalit ni Heneral Emilio Aguinaldo. 

Iginiit pa ni Binay na karamihan sa mabibiktima ng kalituhang ito ay ang mga pasahero at maging ang mga nasa sektor ng transportasyon.