Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagitong Williams walastik vs NLEX

0 61

Mga laro ngayon: (DHVSU Gym/Bacolor)

2:00pm — Terrafirma vs NorthPort

4:35pm — Blackwater vs Phoenix

NAGTALA ang rookie na si Mikey Wililams ng career-high 36 puntos dagdag pa ang 4 rebounds, 3 assists at 2 steals upang isemento muli sa liderato ang TNT Tropang Giga sa paghugot ng 100-85 panalo kontra NLEX Road Warriors sa eliminasyon ng 2021 PBA Philippine Cup sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Agad umiskor ng 23 puntos sa unang hati pa lamang ang G-League veteran at first round pick na si Williams bago nagpatuloy sa huling hati ng laro upang itulak ang isang paa ng Tropang Giga sa silya sa quarterfinals at ikapitong panalo kontra isang talo.

Related Posts

Nag-ambag din si Kib Montalbo at Roger Pogoy ng tig-13 puntos habang may tig-10 naman sina Kelly Williams at JP Erram.

Ibinuhos ng TNT ang kabuuang 33 puntos sa ikatlong yugto habang nilinitahan nito sa 19 na puntos lamang ang NLEX upang umahon mula sa 52-54 paghahabol tungo sa pagtatala ng 12 puntos na kalamangan sa pagtatapos ng ikatlong yugto, 80-68.

Nagawa pa iangat ng Tropang Giga ang pinakamalaki nitong abante sa 24 puntos, 100-76.

Hindi na nakaahon ang Road Warriors sa huling yugto upang malasap nito ang ikalawang sunod na kabiguan at mahulog sa kabuuang 4-4 panalo-talong record. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.