Una sa Balita

Bagitong pulis-Laguna dinampot sa pagwawala

By
0 359

HINDI pa man nagtatagal sa serbisyo ay nagpakita na ng kaangasan ang isang bagitong pulis na binitbit sa presinto dahil sa pagwawala at pagbabanta nito sa mga barangay tanod sa Rosario, Cavite.

Hawak ngayon ng Rosario police ang suspek na si PO1 Harrold Christian Abarro, 29, may-asawa, ng 349 Tramo Road, Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite dahil sa reklamo nina Voltaire Gonzaga, 39; Edgardo Miranda, 52 at Albert Quinones, 54 pa­wang mga barangay tanod ng Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite.

Sa report ni Ahvegail Darang ng Rosario Municipal Police Station, dakong alas-8:30 nang gabi nang damputin ng mga tanod ang suspek matapos na nakatanggap ng tawag na ang huli ay nagwawala at naghahamon ng away sa Brgy. Silangan 1.
Agad na nagresponde at naabutan ang suspek na sumisigaw sa harapan ng isang residential apartment.
Dahil dito, inimbita­han nila ang suspek sa barangay na ikinagalit nito kaya’t nagpakilala itong pulis na nakadestino sa Laguna bilang intelligence operative.
Kasong direct assault on agent of person in authority ang isinampang kaso laban sa suspek.