Bagitong parak todas sa sariling boga

By

Patay ang isang bagitong pulis matapos aksidenteng pumutok ang kanyang baril at masapul sa ulo nang matumba habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Mabinay, Negros Oriental kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng punglo sa kanang bahagi ng ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si PO1 Jay Ramel Nogra, 28, nakatalaga sa Mabinay Municipal Police.

Bandang alas-siyete ng gabi nang matagpuan ang duguang bangkay nito na nakahandusay sa tabi ng nakatumbang motorsiklo sa Barangay Poblacion, Mabinay.

Sa ulat ng pulisya, kabilang si Nogra sa nagsasagawa ng intelligence monitoring sa nasabing barangay nang pagbalik na sana sa presinto ay sumemplang ito sa motorsiklo at pumutok ang Glock 9mm service firearm nito.

SHARE