Una sa Balita

Bagitong aktor atat sumikat

0 416

0May mga personalidad na magaling magtago ng tunay na ugali sa publiko.

Ang kanilang naturalesa ay naikukubli nila.

Pero dahil ‘yun ang tunay nilang ugali ay pansamantala lang nilang magagawa ang ganu’n, isang araw ay malalantad din kung sino talaga sila, tulad ng isang bagong male personality.

Mapangarap ang baguhang male personality na bumibida sa kuwento, gusto niyang maabot agad ang tagumpay sa mabilisang paraan, wala sa kanyang bokabularyo ang paghihintay.

Kuwento ng ­aming source, “Ewan naman kung saan siya nakakuha ng idea na kapag ipinakilala siya ngayon, e, sikat na agad siya kinabukasan. Gusto niyang sumikat, pero ayaw niyang maghintay?

“Kaaga-agang nagpakilala ng ugali niya ang mokong na Kanutong ito, hindi siya naka-design para sa showbiz, ano ito, lokohan? Ipina-presscon pa lang siya kahapon, agad-agad na siyang superstar?” simulang kuwento ng aming impormante.

Ang showbiz ay isang mundong pinamamahayan ng mga becki. Sa bilang na sampu ay pito ang becki at tatlo lang ang babae.

“Pero ang Amerikanong bagitong ito, naiinis siya sa mga becki, very annoying daw, kaya inilalayo niya ang sarili niya sa mga becking napakalaki ng magagawang tulong sa pangarap niyang sumikat.

“Kahit saan siya magpunta sa apat na sulok ng showbiz, e, mga becki ang matatagpuan niya. Pero ilag siya sa mga bakla, bawal kuno ‘yun sa religion niya, samantalang wala namang ginagawang masama sa kanya ang mga becking nakikilala niya!

“Ayaw pala niya sa mga becki, pero bakit napakasama ng loob niya nu’ng matanggal siya sa isang sikat na show na becki ang bumibida? Depende lang ba ang pag-ayaw niya sa becki sa advantage na makukuha niya?” inis na komento ng ­aming source.

Ngayon pa lang ay marami nang nagsasabi, hindi sisikat ang bagitong ito, wala siyang pakisama at gusto niyang abutin ang ituktok ng tatsulok nang hindi man lang siya naghihirap.

Milyones pinagpalit ni John Lloyd sa katahimikan

Naunsiyami ang pag-asa ng mga tagahanga ni John Lloyd Cruz na pagkatapos nang mahabang panahon ay babalik na siya sa pag-arte. Hindi pala ganu’n ang magaganap. May gagawin lang palang TVC ang magaling na aktor.

Babalik lang pala siya sa paggawa ng TV commercial, hanggang du’n lang, matatagalan pa ang pagbabalik niya sa pag-arte.

Sa kanyang pansamantalang pananahimik ay napakaraming oportunidad ang pinalalampas ni Lloydie. May mga pelikulang dapat ay siya ang bida, bagay na bagay sa kanya ang role, pero hindi pa siya handang umarte sa ngayon.

Ninanamnam pa ni LC ang napakasarap na pribadong buhay kasama si Ellen Adarna at ang kanilang anak. Sa sukatan ng mas nakararami ay walang katumbas na kahit magkano ang klase ng buhay na matagal nang pinapangarap ng sikat at magaling na aktor.

Gigising siyang walang nakaabang na trabaho, kanyang-kanya lang ang maghapon at magdamag, walang mga intri­gang kahit paano’y nakaaa­pekto sa kanyang emosyon.

‘Yun ang buhay na pinapangarap ng mga sikat na artista. ‘Yung sila ang magmamando sa kanilang gagawin sa maghapon. ‘Yung sila ang hari ng kanilang sarili. ‘Yung gigising at matutulog sila nang walang nanghihimasok sa kanilang personal na buhay.

Pero ang lahat ng ‘yun ay may katapat ding mga oportunidad na nakalalampas. Oo nga’t napaghandaan na ni JLC ang pansamantalang pagkawala sa bituka ng showbiz ay napakarami pa ring nanghihinayang sa mga nakalulusot na proyekto para sa kanya.

At ang ibig sabihin ng proyekto ay talent fee, milyones ang nawawala kay John Lloyd, na pinanghihinayangan siyempre ng mga taong hindi alam kung gaano siya kaligaya ngayon sa sitwasyon ng kanyang kapribaduhan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy