Una sa Balita

Bagets natetano sa kissmark ng gf

By
0 154

Patay ang isang binatilyo makaraang ma-stroke dahil sa sinasabing love bite o chikinini ng kanyang girlfriend.

Ayon sa Mexican media, inatake ng kombulsyon ang 17-anyos na si Julio Macias Gonzalez habang kumakain ng hapunan kasama ang kanyang pamilya.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima su­balit hindi na nasagip pa.

Pinaniniwalaan ng mga eksperto na namatay ang biktima dahil sa blood clot na namuo dahil sa chikinini na u­mabot sa utak dahilan ng kanyang pagkaka-stroke.

Matapos ang insidente ay hindi na nagpakita pa ang girlfriend na siya ngayong sinisisi ng pa­milya ng biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy