Una sa Balita

Bagets na nagtatrapik napisak ng trak

By
0 81

Sumabog ang mga baryang kinita ng isang 14-anyos na binatilyo matapos na masagasaga­saan ng isang 14-wheeler trailer truck habang nagmamando ng daloy ng trapiko kamakalawa ng gabi sa bisinidad papasok sa Pier 16 ng Manila North Harbor, Tondo, Maynila.

Patay agad ang biktimang si Jason Seseño matapos na masagasaan ng suspek na si Crisologo Tacilad, driver ng truck na may plakang REY-566.

Sa report ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente dakong alas-nuwebe ng gabi sa may Road 10, malapit sa gate ng Pier 16, Tondo, Maynila.

Ayon sa mga nakasaksi, nagmamando umano ng trapik ang biktima nang masagasaan ang paa hanggang sa matumba ang biktima at pumailalim na ang katawan nito sa truck.

Sinabi naman ng suspek na hindi niya napansin na humarang sa tagiliran ang biktima para umano pasingitin ang isang sasakyan.

Nakapila umano si Tacilad papasok sa gate ng Pier 16 para kumuha ng container van.

Sa takot ni Tacilad na kuyugin ng taumbayan hindi ito bumaba ng truck hanggang sa dumating ang mga rumespondeng pulis.

Nahaharap sa kasong kasong reckless imprudence resulting in homicide si Tacilad na pinipigil sa tanggapan ng MDTEU.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy