Una sa Balita

Bagatsing racefest, tumabo ng 27.4M

0 302

HIGHEST grossing racing event ng 2019 ang katatapos na 11th Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial Racing Festival 2019 na ini-host ng Manila Jockey Club, Inc. sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong isang linggo.

Umabot sa P27.4M ang kinita ng pakarera, na nakakuha rin ng record number ng viewers, participants at sales pareho on and off the race track.

Mapupunta ang kinita ng karera sa KABAKA Foundation, na tumutulong sa mga mahihirap na mamamayan sa Maynila.

Itinatag ni dating Manila Mayor Ramon D. Bagatsing, Sr. ang KABAKA Foundation para sa social and medical projects na laan sa mga kapus-palad din sa kabiserang lungsod ng bansa.

Ipinagpapatuloy ng pamilya Bagatsing ang pagtulong sa mga mahihirap na Manilenyos at lampas 500,000 residente na ang kanilang naayudahan.

Tampok ang 16 stakes race, ang nasabing racing festival ay nagkaloob ng ‘di bababa sa P6M premyo na hinati sa mga nagkampeon.

Tinaguriang Repeat-Revenge-Redemption Race, parehong repeat at revenge ito para sa kabayong si Hitting Spree sa Resorts World Manila Challenge Cup of Champions, isang local and imported 4YO race sa layong 1,750 metro, nang magkampeon uli at bawian si Viva Morena.

Sa tampok na karerang Mayor Ramon D. Bagatsing Sr. 3YO Open Classic na may layong 1,500m, pinagwagian naman ito ni Boss Emong, ang second leg winner ng 2019 Triple Crown series.

Ang dalawang naturang karera ay nagbigay ng pinagsamang P1.9 million bilang cash prize.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy