Una sa Balita

Bagani 34%, Kambal Karibal 21.1% sa Kantar Media

0 1,714

Sunod-sunod pa rin ang pa­sabog sa hit fantaserye na Bagani kaya naman hindi makabitaw ang mga viewer sa pa­no­nood nito gabi-gabi at patuloy pa rin ito sa pamamayagpag sa nationwide ratings.

Tinutukan ng mga manonood ang pagbabalik ni Dakim (Christian Vasquez) bilang isang taong lobo noong Martes (April 24) ng gabi kaya naman nagkamit ang serye ng national TV rating na 34% mula sa pinagsamang urban at rural homes, o 12 na puntos na lamang laban sa Kambal Karibal ng GMA na nakakuha lang ng 21.1%%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa pagpapatuloy ng kwento, kinukumbinse ni Lakas (Enrique Gil) si Dakim na pumanig sa kanyang pwersa para labanan si Sarimaw (Ryan Eigenmann). Samantala, hindi naman nagpahuli si Sarimaw nang inutusan niya si Datu (Enzo Pineda) na hikayatin ang hukbo ni Matadora na umanib sa kanya.

Pumayag kaya si Dakim o maging sanhi kaya ito ng isang away sa dalawa?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy