Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bagahe nabalik na: Beatrice type bitbitin sa Pinas si Miss Vietnam

0 269

Nasulat ko kahapon na nawala ang luggage ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa Israel.

At good news nga, dahil according to Voltaire Tayag (Miss Universe Philippines Director of Communications), nakuha na ni Beatrice ang bahage.

“Thank you for all the prayers. Thank you to the Philippine Embassy in Israel for helping us reach out to the hotel!” sabi ni Voltaire.

Kaya naman super saya ng mga Pinoy pageant fan, dahil finally  masusuot na ni Beatrice ang mga mas bonggang damit na bitbit niya sa Israel.

“Thank God. Answered prayers. How many of us prayed for its return. Which just proves a collective effort especially an optimistic one, begets results,” sabi ni jutarejingjing.

“Salamat naman po at nahanap na. Sana po ma-disinfect muna before mapunta kay Queen B,” sambit ni zingie_bear.

“Gabagay mo Lord an gaming Beatrice sa kanyang laban,” saad naman ni mhar_capinig04.

Kaya ang sigaw ng mga fan, ‘Let the game begin!’

Anyway, kaaliw manood ng mga Instagram story ni Beatrice, dahil puring-puri talaga siya ng mga kapwa niya kandidata, ha! Sabi nga nila, super amazing daw si Beatrice, na hindi naman kataka-taka, dahil bukod sa pagiging beauty queen, alam naman natin na isa siyang miyembro ng Philippine Navy, na dumaan sa matinding training at disiplina.

“I’m bringing this girl home. She loves the PH and she’s the sweetest,” sabi ni Beatrice kay Miss Vietnam.

Bongga! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.