Una sa Balita

Bag ng shopper pinagtripan ng salisi

0 382

ARESTADO ang 26-anyos na babae matapos mapagtripan umanong kunin ang handbag ng biktimang abalang nagsa-shopping kasama ang kaibigan sa loob ng department store sa Barangay Wack-wack, Mandaluyong City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Desirie Uy, 26-anyos, at sinabing napagtripan lamang umano niyang kunin ang bag dahil maganda ito.

Naganap ang insidente alas-10:00 Miyerkoles ng gabi sa loob ng isang mall habang namimili ng pangregalo ang biktimang si Camille Rementilla, 25 kasama ang kaibigan.

Nabatid na abala ang dalawa sa pagsa-shopping nang palihim naman silang sinusundan ng suspek at nang makatiyempo ay doon na kinuha ng suspek ang hand bag ng biktima.

Napansin ng biktima na wala na ang kanyang bag sa dalang cart kaya agad na ini-report sa security guard ng mall.

Habang nag-iikot at naghahanap ng kanyang nawawalang bag ay naispatan niya ang suspek na hawak ang kanyang bag at upang matiyak na sa kanya iyon ay nagsama sila ng guard upang malaman ang laman ng bag.

Positibong sa biktima ang bag at agad na inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong alleged theft sa Mandaluyong Police. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More