Una sa Balita

Bag ng pasahero, isinoli ng TNVS driver

0 215

LAKING pasasalamat ng isang babae nang maisoli sa kanya ang bag na naglalaman ng mahahalagang bagay tulad ng cellphone, credit card at ATM matapos itong maiwan sa sinakyang transport network vehicle service (TNVS).

Kuwento ni Luricel Borromeo, sumakay siya sa isang TNVS noong nakaraang Linggo, kasama ang kanyang ka-date.

Nadala umano si Borromeo sa kuwentuhan niya sa ka-date kaya’t nang bumaba sa destinasyon, nakalimutan niya ang kanyang bag sa upuan.

Abante Hiring – IT dep

Huli na nang maalala niya ang bag, pero nakaalis na ang sasakyan kaya’t tumawag na lang siya sa customer service ng Grab.

Kinabukasan, matapos ang ilang beses na pagtawag, nakontak din niya ang customer service at nakuha ang pangalan ng driver na si Tito Bumanlag Martinez kaya’t agad niya itong tinawagan.

Sinabi naman ni Martinez na isinurender niya sa isang television station ang bag noong nakaraang Lunes.

Nagkaharap ang dalawa sa isang programa ng ABS-CBN kung saan laking pasasalamat ni Borromeo kay Martinez.

Sinabi naman ni Martinez na sana’y ganito rin ang gawin ang ibang TNVS at taxi driver.