Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bag na siksik ng pera

0 202

Sa panaginip ko po ay nakasakay raw ako sa taxi at noong bababa na ay nakita kong wala nang laman ang wallet ko. Nagalit daw ‘yung manong driver saka sabi sa akin na scammer ako at pinipilit akong magbayad, tiningnan ko uli ang mga dala ko at nang buksan ko ang isa kong bag, dun ko nakita na andami nitong laman na pera, sa dami halos masira ang zipper, ‘pag gising ko hindi ko na maalala ang nangyari pagkatapos nun pero tanda ko na black na itim ang dala kong iyon na naglalaman ng maraming pera.

– Sara

Ang panaginip kung saan nakadiskubre ka ng pera sa loob ng bag mo ay nangangahulugan na binigyan ka ng opurtunidad na mabago ang iyong buhay.

Makatutulong ang pera na magawa mo ang anumang gusto ng iyong puso, kaya kapag nakakita ka ng pera sa iyong panaginip, sinisimbolo nito na mayroon kang potensyal para magtagumpay. Anuman ang mga opurtunidad na magbukas sa iyong buhay ngayon ay kaya mong ma-handle nang walang stress dahil may kahandaan ka na para harapin ang mga ito.

Kung naghahanap ka ng trabaho, ibig sabihiin nito ay parating na ang magandang offer na may kasamang malaking suweldo. Kapag ikaw naman ay humahawak ngayon ng isang mahalagang proyekto, nangangahulugan ito na magkakaroon ka ng malaking reward o bonus dahil sa iyong tagumpay.

Pero kakabit ng panaginip na ito ang pagbibigay babala o paalala na kailangan mong gamitin sa tama at talagang pagpapabuti ng iyong buhay ang anumang pera na darating sa iyo sa totoong buhay.

Ang kailangan mong gawin ngayon ay siguruhin na ibibigay mo ang iyong best sa anumang responsibilidad na ibibigay sa iyo at makakatanggap ka ng mas malaking kabayaran sa mga ito.

Kung ang nakita mong pera sa bag ay mga paper bill ibig sabihin nito ay mababayaran ka na mula sa pinaghihirapan mo ngayon. Kung naghahanap ka ng trabaho na may mas mataas na suweldo, makakahanap ka ng mas maganda sa kasalukuyan mong tinatanggap. May chance rin ng promosyon.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.