Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bag Mo, Pintahan Ko

0 264

Ms. Ginny ang tawag ko sa kanya noong nagtatrabaho pa siya bilang Media Relations Manager ng isang public relations firm. Soft spoken at masarap kausap. Mahilig sa mga ethnic/Bohemian fashion and accessories na gaya ko kaya click agad kami.

Sa likod ng kanyang pagiging mayumi, isa palang rakista, art teacher, at super galing na pintor si Ms. Ginny Guanco.

Mas dumami ang kanyang mga tagahanga/follower (isa na ako) nang gawin ang una niyang One -Woman show noong nakalipas na September 16, 2016 na may temang ‘Boho Chic’ at Paint Me A Bag workhop sa Gateway Gallery noong 2018 kung saan personal niyang tinuruan ang ilang mga bata ng basic drawing at technique sa pagpinta ng mga fabric bag bilang canvas gamit ang watercolor.

Naging full time career ni Ms. Ginny ang tote bag painting na kalaunan ay nag-level up na sa blouse, t-shirt, sapatos, denim jacket, at jeans at iba pang materyal nang mag-retire na siya sa trabaho. At nang tanungin kung ano ang kanyang inspirasyon, “God because He is my Creative Director plus things I find in nature” , ang sagot niya.

‘Simple pero rock’ kung ilalarawan ko kanyang mga obra na minsan na rin akong bumili para ipang regalo sa ilang kaibigan.

Hanggang ngayon tuloy ang passion ni Ms. Ginny sa pagpipinta na madalas ay nakasentro sa floral, abstract, at portrait design. Marami na siyang suki na bilib sa kanyang talento bilang isang passionate artist. Personalized ang bawat guhit kaya’t walang kagaya ang bag design na kayang pinipinta. Hindi imposibleng nasa koleksyon na rin sila ng mga taong mahilig sa designer bags. World class ngunit abot-kaya na gawa mula sa puso.

Bata pa lang mahilig na siya sa sining. Nagtapos ng kursong Fine Arts sa University of Santo  Tomas (UST) at mas pinalawak na pag-aaral sa Corcoran School of Art sa Washington, DC noong 1970s kung saan nanalo siya ng first prize sa nude watercolor painting category at first prize naman in painting gamit ang pencil bilang medium.

Naging art teacher nang bumalik sa Pilipinas subalit natigil ng 15 taon sa pagpipinta nang pumasok sa ibang karera. Isang araw, biglang namatay ang kanyang pet na ‘ginger cat’ at dito muling nanumbalik ang atensyon sa kanyang ‘first love’ na patuloy niyang ini-enjoy hanggang sa kasalukuyan.

Malayo na ang kanyang nilakbay hindi lang bilang isang mahusay na alagad ng sining kundi bilang isang ina at advocate ng healthy lifestyle.

Abangan ngayong taong 2022 ang kanyang susunod na solo exhibit na excited na akong mapanood! Para sa mga gustong makita ang iba niyang bag design at mga painting, bisitahin ang kanyang FB page – Art by Ginny o Instagram account.

Leave A Reply

Your email address will not be published.