Una sa Balita

Baena, Villegas, Herrera sa Caloocan Excellence

0 504

Isang karangalang makasama ang mga idolo ko sa larangan ng coaching na malapit sa aking puso.

Ang ninong kong si Rene Baena na head coach ng Caloo­can Excellence sa MPBL na dati ko ring coach noong ako ay naglalaro pa.

Nakita ko ang dedikasyon, sipag at disiplina sa aming manlalro at dito ko siya hinangaan.

Bilang manlalaro, naging ama siya sa amin hindi lang bilang coach kaya alam ko na ang bagong mukha ng Caloocan Excellence ay maiiba sa paningin ng tao.

Marami siyang experience sa basketball.

Galing siya sa ibang team sa MPBL gaya ng Manila at iyong huli niyang koponan ay Batanggas.

Sa UAAP naman ay galing siya sa National University kung saan sila ay naging kampeon sa juniors kasama si Goldwyn Monteverde.

Para mabuo ang coaching staff niya ay kinuha rin niya ang isa ko pang ninong na dating­ manlalaro sa Letran at dating PBA coach na si Nemie Villegas.

Iba rin ang talino sa larangan ng pagtuturo ng skills at magaling magbigay ng motivation sa player.

Kaya nagpapasa­lamat ako kay Mayor Oca Malapitan, Cong. Along Malapitan, Konsehal Dean Asistio, Boss Jeremy Epay, Boss Felix at Boss Dennis Flores sa pagsama sa akin sa team Caloocan Excellence MPBL.

Nakasama ko ang magagaling na coach sa Pilipinas.

Noong ako ay nag-aral sa America ng coaching naibigay ang lahat ng inyong nalalaman.

Ultimo sa maliit na advice galing sa iba’t ibang coach at pagsama-samahin para makabuo ng isang malaki at magandang idea para sa ikagaganda ng team

***

Hihinto muna ang AMA Cup Season 3 dahil sa no classes ng lahat ng eskuwelahan.

Wala po muna laro sa darating na Sabado at Linggo.

Maghihintay muna tayo ng announcement mula sa Department of Education kung puwede na magpalaro muli.

Pati ang PBA at D-League ay huminto na rin kahit ang NBA na dapat ay maglalaro na kaso nalaman nila na isa sa manlalaro ay may sakit.

Kaya humihiling tayo sa Panginoon na huwag lumala ang sitwasyon sa buong mundo at panatilihin nating malinis ang ating sarili na nagsisimula sa paglilinis ng kamay.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More