Una sa Balita

Baeby Baste pang-award ang akting

0 183

Tama ‘yug sinabi ni Bossing Vic Sotto na abangan daw si Baby Baste sa pelikulang Meant To Beh dahil sa totoo lang, ang laki ng contribution niya sa aliw factor ng MMFF 2017 entry na Meant To Beh ng OctoArts Films, M-Zet Films at APT Entertainment Inc. Pang-best child actor nga ang performance niya.

Bukod kay Baste, nagulat din kami sa galing ni Dawn Zulueta sa pagko-comedy without even trying, huh!

Well, si Bossing naman, wala nang duda na siya na nga ang sumusunod sa yapak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Sobrang saya ng pelikulang ito na nagkaroon na ng red carpet premiere night noong Miyerkoles na habang nanonood ka ay hindi ka talaga aantukin at kakabagin ka sa mga nakakaaliw na sitwasyon.

Maraming eksena na relatable sa mga nangyayari sa ating araw-araw na buhay.

‘Yung mga kuwento ng pag-ibig ng mag-asawa, ng mga bagets at ang hindi matatanggihang pakiusap ng bunso sa pamilya ay damang-dama ng bawat manonood.
Iba talaga ang brand of comedy ni Direk Chris Martinez, huh!

Sa isang sitwasyon lang ng isang eksena, aba, hahagalpak ka ng tawa. Nakakalokah!

Naku, abangan niyo ang dalawang version ng ‘I-Dawn Zulueta mo ako!’ kung hindi kayo mahuhulog sa upuan sa kakatawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy