Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Badoy ‘binusalan’ ng Facebook sa red-tagging

0 75

Isiniwalat ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy na muling sinuspinde ng Facebook ng isang buwan ang kanyang account.

Aniya, hindi siya makapag-post, makapag-like at makagawa ng iba pang aktibidad sa FB. Subalit mayroon pa naman umano siyang messenger.

“Nag-start a few days ago. I cannot engage, I cannot like and comment. There’s still messenger. I cannot post,” sabi ni Badoy sa isang media forum nitong Biyernes.

Aminado si Badoy na nagkaproblema siya sa mga post na laban sa mga komunista na katotohanan naman.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The posts that I get into trouble with are anti-CPP-NPA posts that are factual,” wika niya.

Kaya naman gusto umano niyang mapanagot ang Facebook sa pag-takedown o pagbura sa kanyang mga post na laban sa mga rebeldeng komunista.

Sa ngayon aniya nakikipag-ugnayan siya sa Facebook upang maintindihan ang mga community standard nito. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.