Una sa Balita

Badminton ang first love

0 580

Aurea Francesca ‘Cesca’ C. Racraquin

Ni Aivan Denzel Episcope

ksidente lang na naiwan ng ating bida sa Abante Lodi Atletiko ang kanyang raketa para sa badminton bago siya naging isang sikat at ­ganap na balibolista sa commercial at collegiate leagues.

Dito umikot ang istorya ni Aurea Francesca ‘Cesca’ C. Racraquin bago naisabak sa Premier Volleyball League (2019 Marinerang Pilipina, Pocari Sweat Lady Warriors 2018 at Creamline Cool Smashers 2017), at National Collegiate Athletic Association (San Beda University Lady Red Spikers) at bago naging isang ganap na women’s indoor volleyball star sa kasalukuyan.
“Nag-start ako by accident,” bungad ng 23-anyos (sinilang nitong Oktubre 5,1996), may taas na 5’7” at tubong Quezon City na outside hitter.
“Badminton talaga ‘yung nilalaro ko noon.Grade 4 kasi ako mayroong intramurals (sportsfest) sa school namin sa St. James.”

Ayon sa kanya, naiwan lang niya ang kanyang raketa para sa badminton event kaya napilitan siyang maglaro ng ibang sports. Hindi naman nito sukat akalain na ‘di pala siya sa raketa pagpapalain kundi sa isang ball game pala na puhunan niya para maging isang athletic scholar sa San Beda at kumita na rin nang kaunti.

“Hindi ko nadala ‘yung badminton racket ko eh last day na pala ng tryouts nila. So sabi na lang ng teacher ko nang time na iyon, try ko na lang mag-volleyball kasi kulang pa raw sila,” pagtatanaw-balik ng makinis, maputi at byuting si Cesca.

“So ayun, triny ko lang pero parang na-realize ko na mas masaya kasi mas marami akong kasama, mas marami naging friends.”

At iyon ang naging umpisa niya sa mundo ng volleyball, nanonood na rin noon sa NCAA at sa University Athletic Association of the Philippines sa TV na lalong nagpaalab ng pagmamahal niya sa bago niyang sport.

“Naging biglang dream ko na siya ­(volleyball). Nag-start na ako manood ng UAAP noon. Si (Rachell Anne) Daquis pa naglalaro sa UAAP sa TV,” anang naka-isang taon din sa De La Salle University women’s indoor volleyball team.

Aminado siyang mahirap din ang sport at dumating na halos sumuko na rin siya rito. Pero sa naising makatulong sa pamilya (ina at mga kapatid) nang yumao ang ama na impluwensiya niya sa sports, matiyaga niyang tinugaygay pa rin ang hamon.

“Inspiration ko talaga is my dad. Kasi kapag nag-usap kami sobrang tagal, mostly sports. Kaya tuwing pumapasok ako sa hardcourt ay dini-dedicate ko rin sa number one fan ko, si Dad,” hirit pa niya.

***

Q&A

Abante: Sino si Cesca pagdating sa bahay?

Cesca: Madalas nanonood lang ng Netflix at nagbabasa lang ng books. Nandu’n lang ako sa kuwarto.

Abante: Kung ‘di ka volleyball player, ano ka?

Cesca: Flight attendant na ako ngayon.

Abante: May plano ka sa showbiz?

Cesca: Kung mabibigyan ng opportunity na mag-artista or mag-showbiz, bakit ko naman tatanggihan ‘di ba?

Abante: Any message?

Cesca: Sa mga aspiring volleyball player is don’t stop. Kapag tumigil ka kasi, hindi mo talaga maaabot kung ano ‘yung goal mo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More