Una sa Balita

Bading na handler ni aktor bawal nang magpakita sa taping

By

Mahadera, pa-chummy, sulsolero

0 2,760

May mga handler at road manager ng mga artista, singer ang mas mahadera at mareklamo pa sa mga alaga nila. Pero hindi umubra sa isang top TV network ang kamalditahan ng isang handler dahil nang magreklamo ang isa nilang female contract star tungkol sa cut-off dapat niya sa isang afternoon series na nagtapos na, nagpaimbestiga ang mga taga-production.

Ang inireklamo kasi ni female contract star ay bakit wala siyang cut-off sa taping samantalang ang leading man niya na mina-manage ng isang gay talent manager na identified sa top TV network na ‘yon ay meron daw.

Nalaman-laman ng mga taga-production na ang handler pala ni leading man na kasa-kasama sa taping ng nagtapos na afternoon series ang ‘nanulsol’ kay female contract star kung bakit siya pumapayag na walang cut-off sa taping?

Immediate-Hiring-Ads

Ang ginawa ng mga taga-production, ipinatawag ang gay talent manager ni leading man para sitahin tungkol sa ginawang intriga ng kanyang handler at pinagsabihang hindi na muna puwede si handler sa set.

Sa madaling salita, na-ban si handler sa set ng nagtapos na afternoon series. Actually, si gay talent manager naman, nagulat din sa ginawang ‘yon ng kanyang handler at imbes na pati sila ng kanyang mga talent ay madamay pa sa galit ng executives ng top TV network, nagdesisyon din siya na suspended na muna ang beauty ng kanyang handler, huh!

Actually, ang handler na ‘yon, noon pa naman ay feeling chummy na hindi lang sa mga talent ng kanyang among gay talent manager dahil pati sa ibang mga artistang kakilala o nakakasama niya sa set ay feeling handler din ang dating niya at pati sa dealings nila sa nasabing top TV network, eh, nakikialam siya, ‘noh?!

Pero napahiya nga siya sa pakikialam niyang ‘yon!

Gimik ni Angeline wagi sa mga fan

As of yesterday morning, almost 800 thousand na ang views sa kanyang Instagram account (@loveangelinequinto) ng video na pinost ni Angeline Quinto kung saan ay nagkamali siya ng sakay sa isang black van na hindi pala sa kanya at ang owner ay si Vice Ganda.

Cute ang dating ng nasabing video, pero obvious na hindi naman authentic ‘yon, huh! Obvious na kinunan ‘yon para may mai-post si Angeline, huh!

‘Acting na acting’ kasi si Angeline at ang kanyang mga kasamahan, kaya obvious, ‘noh?

Anyway, marami naman ang naaliw sa eksena na ‘yon ni Angeline.