Una sa Balita

BAD START!…Rio Games: 3 Pinoy bets nalagas

By
0 221

Tatlo na ang taob, may 10 pang nakatayo.

Kabit-kabit na mga dagok agad ang natikman ng Pilipinas sa unang buong  araw ng mga kumpetisyon nung Sabado sa 31st Summer Olympic Games 2016 sa Rio de Janeiro City, Brazil.

Pinakabagong kaswalidad si Charly Suarez sa unang laban pa lamang kay Joseph Cordina ng Britain via split decision 1-2 defeat sa boxing men’s lightweight division eliminations sa Riocentro Pavilion 6.

Napasakamay ng 27-anyos na Davaoeño ang Round 1 win 29-28 sa mga mata ng Turkish referee pero natalo mga cards ng buhat sa Morocco 28-29 at Uzbekistan 27-30 at maiwan na lang sa balikat ni light flyweight Rogen Ladon ang pag-asa ng Pilipinas na tapusin ang may 20 taong tagtuyot sa medalya at ang may 92 taong paghahagilap sa gold.

“Sa tingin ko nanalo tayo,” sambit ni Pinoy coach Nolito Velasco ilang oras sa Athletes Village pagkasablay ni Suarez sa quarterfinals.

Sa tingin niya maging sa third round ay mas naging epektibo pa si Suarez kaya nagtatakang binigay ng tatlong judges ang yugto sa Briton.

Related Posts

“Halos hindi na sumuntok sa third round ang kalaban. Wala naman pinakita. Pero ganyan talaga. Puwede manalo, puwede matalo,” dagdag niya. “Ang sabi ko kay Charly bombahin na niya sa third baka madaya pa tayo.”

Binigay ng Uzbek judge ang lahat ng three rounds kay Cordina, kasama ang second, kung saan magkasunod na nasapol ni Suarez ang mukha ni Cordina, Wagi ang Pinoy sa mga hurado ng Turkey at Morocco sa second round.

“Sa tingin ko naman panalo ako. Pero tanggap ko na. Magaling din naman yung British. Mataas at mahaba,” ani Suarez, 28, na nakatanggap ng cheer sa ilang Pinoy na nakabase sa Rio de Janeiro na mga nag-boo rin pagka-anunsyo sa desisyon.

Unang nasawimpalad sa table tennissa una rin niyang sabak sa Olimpada gaya ni Suarez, si Ian Lariba na kinapos tungo sa pagkalasap ng four-game loss kay naturalized Congolese Xing Han 7-11, 11-13, 9-11, 7-11 sa Riocentro Pavilion 3.

 “Dikit lamang po sana kung hindi lang sa mga end game. Nararamdaman ko pa rin po ang matin­ding tensyon pati na ang pressure. Ibang-iba po talaga ang labanan dito sa Olympics,” litanya ni Lariba, 21, buhat sa Cagayan de Oro.

Gaya sa 2012 London Olympics, bigo uli si Jessie Khing Lacuna na sixth placer lang sa sa pitong kumampay sa swimming men’s 400 meter freestyle qualifying heat 2 ss 4:01.70 clockings sa Rio Aqua­tics Center pa-46th place sa 50 entries.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy