Una sa Balita

Bad news sa mga biker

0 602

REAL ESTATE & MONITORING

Simula July 22, ipagbabawal na ang mga motorsiklong may maliit pa sa 400cc ang makina na dumaan sa Osmena Highway mula sa Sales/Nichols, hanggang Gil Puyat/Buendia, Makati. Naglalagay ng babala at karatula ang Skyway O&M (SOMCO) sa kahabaan ng nasabing lagusan. Pinayuhan ang mga nagmomotor na gamitin sa halip ang Pasong Tamo at Pasong Tamo Extension papunta sa Makati.

“Effective July 22, 2019 Motorcycle below 400cc not allowed at Skyway at grade from Sales going to Manila, Makati and Pasay Take Pasong Tamo Extension”

Ang SOMCO ang ligal na namamahala sa pagpapatakbo ng Skyway at South Luzon Expressway mula sa Muntinlupa hanggang sa Makati. Eto ay pag-aari ng San Miguel Corporation (SMC) Infrastructure Division.

Ang tinutukoy na “Skyway at grade” ay ang iba-ba ng elevated Skyway mula sa Nichols hanggang Buendia.

Marami ang nag-akala na ang plano ay batay sa Department of Transportaion (DoTr) Department Order No. 2007-38 na nagsasad na “only motorcycles with an engine displacement of at least 400 CC shall be allowed to be operated within the limited access facilities.” Kailan lang ay pinaburan ng Court of Appeals ang nasabing order sa inilabas na desisyon sa kasong isinampa ng isang motorcycle dea-ler kontra sa DoTr.

Related Posts

Sa isang maikling mensahe, sinabi ng SOMCO na tumutupad lamang sila sa utos ng Toll Regulatory Board (TRB). Ang TRB ang ahensiya ng gobyerno na may regulatory authority sa lahat ng expressway.

Marami sa mga libu-libong gumagamit ng maliit na motorsiklo ang umalma sa plano ng SOMCO. Sa ngayon, pinapayagan ang mga eto na gamitin ang Osmena Highway sa araw-araw. Ipinagbabawal lamang sila sa elevated portion ng Skyway.

Ang grupo ng Motorcycle Rights Organization (MRO) ay nagsisikap na magkaroon ng dialogue sa pamunuan ng SOMCO. Habang sinusulat natin eto, wala pang malinaw na schedule ng pag-uusap.

Nagkikipag-ugnayan din ang MRO sa mga LGU na apektado ng bagong patakaran, tulad ng Pasay, Paranaque, Taguig at Makati. Balak din na kausapin ang mga eskuwelahan at resi-dential villages na maapektuhan ng mga libu-libong motorsiklo na dadaan sa Pasong Tamo.

May ilang araw pa bago ipatupad ang patakaran. Sana ay buksan ng SOMCO ang pintuan nito at kausapin ang mga apektadong sector, lalo na ang mga gumagamit ng motorsiklo para makagawa ng solusyon na katanggap-tanggap sa mga dumadaan sa Osmena Highway. Magagamit din ang pagkakataon para ipaliwanag ng SOMCO ang kanilang panig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy