Una sa Balita

‘Bad-get’

0 470

Habang nababawasan ang budget ng ilang departamento sa gobyerno ay siya namang itinaon ang pagbili ‘di umano ng bagong private jet si Pangulong Duterte.

Maski na, ayon sa ­administrasyon, ­kailangan ‘yan ay tila kontratiyempo.

Dalawang bilyong piso na eroplano na ang makasasakay lang ay iilan.

Samantalang libu-libo ang mga mawawalan ng trabaho kung ang budget ng DOH ay patuloy na bumaba. Mas lalo pa ngang dapat na itaas ang budget ng departamento kung gusto talagang paganahin ang maging epektibo ang batas na Universal Health Care.

Dalawang bilyong piso na puwedeng i-invest kaya muna ng gobyerno para sa pag­likha ng trabaho para sa mamamayan.

Naging kadudaduda tuloy ang ipinanga­ngalandakang pagkakaroon ng malasakit ang kasalukyang pa­ngunahing departamento ng administrasyon. Sa pagpaparte-parte ­pa lang sa budget ay ­bawas na ang mga budget ng ilang ­departamento.

Tulad ng budget sa edukasyon, na nanga­ngailangan ng budget para sa pagtatayo ng karagdagang classrooms, at pag-hire ng mga bagong teacher.

Sa pangambang may epidemia ng polio, tigdas, at denggue, ngayon pa binawasan ng ­budget ang DoHc. Dapat nga pinaghahandaan ito at para mapigilan ang lalo pang paglaganap ng mga sakit.

Samantalang ang pondo para sa intelligence fund na hindi na makikita ng mga tao ay umakyat ng mahigt 2 bilyong piso. Napaka­laking budget na hindi man lang pinagdebatehan at mabilis na ipinasa. Kaya hindi maalis sa isip ng maraming tao kung ang pinangbili nga ng jet ay nanggaling na sa pondong ito.

Gayunpaman, ang kahalagahan ng pagbili ng jet ang tinatanong ng marami.

Uunahin ba ang jet kaysa sa mga pangunahing panga­ngailangan?

Ang budget nga ay talagang badjet na dahil bagama’t may bagong jet ay masama ang ­ma­laking kabawasan ang pondo sa mas mahahalagang paglalaanan.

Nasan ang tunay na malasakit?

Paano na gayong maging ang inaaasahang pag-akit ng mga dayuhang investment ay bumagsak. Saan na kukuha ng badjet dyan sa private jet? Siyempre bayad ­pamore mga kababayan ng tax para sa budget na naging badjet.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy