Una sa Balita

Bad breath galing din sa alak

By
0 5

Napansin ko na mabaho ang hangin na lumalabas sa ilong ko, lalo ng kapag nakainom ako. Sabi ng iba parang patay na hayop. Madalas din akong may sipon. Ano kaya ang problema ko? — Rene ng Bulacan

***

Ang bad breath o ha­litosis ay kadalasan ga­ling sa bibig. Pero kung galing ito sa ilong, ma­lamang mas malala ang problema. Maaring nagmumula ito sa ilong mismo, sinuses, lalamunan, baga o tiyan. Dahil may sipon ka, kutob ko na meron kang sinusitis o allergic rhinitis. Madali itong gamutin sa tulong ng isang ENT specialist.

Puwede rin na dulot ito ng sakit sa kidney o atay, diabetes o cancer. Pangkaraniwan din ang bad breath sa mga mahilig sa alak dahil sinisira nito ang tiyan at bituka. Nagpapatuyo din ng bibig ang alak na siyang dahilan ng mabahong hininga. Para malaman ang sanhi ng problema, pumunta sa doktor.

***

Nagtalik kami ng GF ko. Nagpa-pregnancy test siya at negative naman ang resulta. Dapat nagkaroon na siya ng mens pero wala pa. Takot siya at baka buntis siya. — Name withheld

***

Dapat lang matakot siya kasi hindi kayo nag-iingat! Maraming paraan para hindi mabuntis pero nagtataka ako kung bakit sumusugod kayo sa kama nang hindi nakahanda. Malalaman kung buntis ang babae pagkalipas ng isa o dala­wang linggo matapos makipagtalik. Makikita ito sa home urine pregnancy test na mabibili sa botika.

Kung hindi buntis, maraming dahilan kung bakit delayed ang mens. Ilan nito ay stress, pagbago ng shift sa trabaho (sa mga call center agents), bagong gamot, at pagiging mataba o payat. Babalik sa dati ang mens kapag nawala ang mga nasabing problema.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com, mag-text sa 0935-972-0691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers Online.

Sasagutin niya ang mga tanong ninyo rito. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.