Una sa Balita

Bacteria subukan kontra dengue — Anakalusugan

0 354

NANAWAGAN si Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa Department of Health (DOH) na subukan ang paggamit ng bacteria upang mapigilan ang pagkalat ng dengue virus.

Ginawa ni Defensor ang panawagan kasunod ng naging hakbang ng Malaysia na gamitin ang bacteria sa pagsupil sa dengue virus.

“We understand that Malaysia has brought in the Walbochia bacteria, which retards the dengue virus in the Aedes mosquito, and lessen­s the risk of the disease getting passed on to humans,” ayon sa vice-chairman ng House health committee.

Umakyat ng 92% ang kaso ng dengue ngayong taon sa kabuuang bilang na 402,694 mula Enero 1 hanggang Nobyembre 16, kumpara sa 209,335 sa parehong panahon noong 2018.

Tumaas din ang bilang ng namatay sa 1,502 ngayon taon kumpara sa 1,075 noong 2018.

“We have to review the National Dengue Prevention and Control Program, which clearly has been unsuccessful in reducing the overall burden of the disease,” diin pa ni Defensor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy