Una sa Balita

Bacoor Strikers

By
0 778

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-120 na Araw ng Kasarinlan ng bansa noong Hunyo 12, ini­lunsad sa Smart Araneta Coliseum ang ikalawang season ng Maharlika Pi­lipinas Basketball League o MPBL.

Dalawampu’t anim na koponan ang maglalaban-laban sa taong ito na nahahati sa dala­wang conference – North at South.

Sa North Conference kabilang ang Bulacan Kuyas; Bataan Risers; Pampanga Lanterns; Valenzuela Classics; Caloocan Supremos; Navotas Clutch; Quezon City Capitals; Mandaluyong El Tigre; Makati Skyscrapers; Manila Stars; Pasig Pirates; San Juan Knights; at Pasay Vo­yagers.

Sa South naman kasama ang Bacoor Strikers; Laguna Heroes; Muntinlupa Cagers; Imus Bandera; Batangas City Athletics; Parañaque Patriots; Rizal Crusaders; Marikina Shoemasters; Cebu City Sharks; Davao Occidental Tigers; Zamboanga Valientes; Basilan Steel; at General Santos Warriors.

Pormal na tinanggap ang Bacoor Stri­­­­k­e­­rs­ bilang huling expansion team noong May 21 kung kailan nag-contract signing ang mga opisyal ng liga at ng koponan.

Pinangunahan ito nina Commissioner Kenneth Duremdes, Assistant Commissioner Satar Macantal at Operations Head Zaldy Realubit ng MPBL, at ng inyong lingkod, Atty. Jonas Castro at Federico Hui na kumatawan naman sa Bacoor Strikers. Sa pakikipag-ugnayan kay Mr. Buddy Encarnado, kaakibat ng Stri­kers sa ligang ito ang Sta. Lucia Realty na may malawak na karanasan at husay sa basketball sa bansa.

Bubuuin ang Strikers nina Marlou Aquino, Christopher Sumalinog, Gabriel Banal, Leonardo De Vera, Joesel Prudente, John Basanes, Michael John Rabor, Mikee Reyes, Mark Montuno, Eric Acuña, Christian Garcia, Bon Jovi Cipriano, Raymond Maconocido, Ricky Maurillo at Rama Morales.

Hangad natin ang tagumpay ng ligang ito na naglalayong pag-ibayuhin ang larong basketball sa bawat dako ng Pilipinas, at i-promote ang sports hanggang sa kanayunan. Dahil sa patakaran na kaila­ngan may local players ang bawat koponan, masisiguro ang pag-develop ng local talent. Pinatibay pa ito ng regulasyon na hindi maaa­ring lumampas sa tatlong Fil-foreign player ang bawat koponan.

Dahil sa home and away format, napa­kagandang paraan ito para magkaroon ng interaksyon ang bawat kasaping lokalidad mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng interaksyon ang madalas na hindi nagku-krus ng landas, at makabubuo ng pagkakaibigan at pagtutulungan.

Tinatawagan ko ang lahat ng mga Bacoorenyo na suportahan ang ating Strikers, gayundin ang lahat ng ating mga kababayan na suportahan ang kani-kanilang mga koponan. Let us support the MPBL. Game na!