Una sa Balita

Bacoor Strikers ni Revilla, winner!

0 412

FEELING vindicated ang buong tropa ng Bacoor Strikers ng on-going Datu Cup sa MPBL.

Matapos kasing abandonahin ng buong coaching staff at nang overrated na star player nitong si Mikee Reyes ang koponan after na kanilang mass resignation, nanalo ito under its new coach Leo Isaac.

“Ni wala pang kontrata sa amin iyan ha, pero he knows fully well the call of professionalism,” sey ng ilang ka-tsika namin sa koponan matapos nga raw irekomenda ni PBA legend Sonny Jaworski si coach Leo sa grupo nina Congressman Strike Revilla.

Nabalitaan ng inyong lingkod ang ginawa ng tropa ni Reyes, pati na ang tila mala-showbiz na pag-papa-interbyu ni Mikee sa media asking err demanding for his trade dahil aniya, naka-align daw sa technical genius ng ama niya ang kanyang laro.

“We don’t know we have a playing coach,” sambit ng isang taga-Strikers referring to the self-serving statement ni Mikee na isa din palang commentator sa UAAP.

We tried to reach the guy through our dear friend Eric Altamirano ng NBTC kung saan may show din pala si Mikee dun.
But we got the impression na ayaw na nitong magsalita at magbigay ng pahayag kaya’t parang validated yung earlier research namin on him na may kayabangan nga ito lalo pa’t medyo mataas ang tingin nito sa sarili.

Siyempre challenged ang lola Ambetable ninyo lalo pa’t in our more than thirty years of co­vering, manning, managing and being with various basketball leagues, sanay na kaming makipag-deal sa mga ganitong klaseng player.

Since our UP days hanggang sa mga UAAP, NCAA, PBL, MBA  up to PBA at paminsanang NBA outing, dose-dosena nang manlalaro ang nakasalamuha namin pati na yung mga napa-amin namin ng kanilang kabadingan hahahaha! Kahit itanong pa nila sa mga fan namin ‘di ba Nap Gutierrez at Vice Ganda hahahaha!

Sobra lang kaming magiging bias para sa pamilya Revilla whom considered us their Kapamilya for decades now, kaya’t hindi na kami mag-delve sa pinalalabas nilang isyu na hindi na maganda ang “trato” sa kanila kaya sila nag-resign at humihingi nga ng trade itong si Mikee.

Nakaka-insulto mang mabalitaan ang pagkuwestyun nila sa kakayahan ng koponan na magpasahod, de­dedma na lang kami dahil witness kami sampu ng aming mga kaibigan at ibang kapamilya sa loob at labas ng showbiz and sports world ng pagiging maaruga, mapagkalinga, maasikaso, mapagmahal at marespetong mga tao nina papalicious Congressman Strike. Ma­dam Chaye Cabal-Revilla at mga kapamil­ya nila.

Balitang iti-trade na si Mikee sa ibang team pero hindi yun magiging ganun kadali lalo pa’t may mga pagkuwestyun sa kanyang  professionalism.

May mga nakausap na kaming ibang team owner, pati na ang opisina ni MPBL papa Commissioner Kenneth Duremdes, at sumasang-ayon sila sa plano ng team Bacoor Strikers.

Kinantiyawan ko nga si papa Kenneth na nagiging kontrobersyal na at exciting ang mga kaganapan sa liga nila.
Sa ilang games na napanood ko through his invite, masasabi ko ngang papunta na sa direksyon na na-e-envision para sa MPBL ni Senator Manny Pacquiao ang lahat.

Marami man ang nagugulat sa presence ng inyong lingkod mula sa mga dating kasamahan, mga minanage na players and coaches, team owners and the rest, isa lang ang lagi kong isinasagot, “it feels so great at ang lakas maka-bagets ng tatlong dekada ang manuod ng MPBL.” Hahahahaha!!!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy