Una sa Balita

Bacoor reclamation panukala pa lang — Lani

0 344

NILINAW ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na wala pang sinisimulang reclamation project sa lungsod sa kabila ng mga paratang ng ilang grupo laban sa panukalang proyektong ito.

Ito ay kasunod ng paghahain ng reklamo sa Office of the Ombudsman na nagsasabing mayroon nang ginagawang reklamasyon sa lungsod.

Ayon kay Revilla, wala pang reclamation acti­vity na nangyayari sa kanyang nasasakupan dahil nasa proseso pa lang ng pagkuha ng permit ang planong reklamasyon.

“The LGU is religiously following the letter of the law so that the Bacoor Reclamation Pro­ject may push through in the future. The city government’s proposed reclamation projects are still in the stage of secu­ring our clearances from DENR and permits from PRA,” saad ni Revilla.

“Sumusunod ang LGU sa batas at hindi ko kailanman ilalagay sa alanganin ang buhay at kabuhayan ng aking mga kababayang Bacooreño,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni Revilla, ang isyung pinupukol sa lokal na pamahalaan ay panis na at nangyari noong nakaraang taon pa.

“Lumang issue na ‘yan, inimbestigahan ng ating CENRO ang mga alegasyon last year, and in October 2019 a cease and desist order was issued against private individuals who undertook backfilling activities in their properties at agad nang huminto sa kanilang ginagawa,” sabi ni Revilla.

Inihayag pa ni Revilla na inireport na nila ang nasabing gawain sa PENRO na nasa ilalim ng Cavite Provincial DENR.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More