Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bacolod school viral sa drive-thru graduation

0 297

Nag-viral sa social media ang paraan na ginawa ng isang eskwelahan sa Bacolod City para sa graduation ng kanilang mga estudyante.

Dahil bawal pa rin ang mass gathering sa ilalim ng new normal, nagdesisyon ang Bacolod Tay Tung High School na gawing drive-thru ang seremonya ng graduation ng kanilang mga senior high student.

Nasa loob ng sasakyan ang mga estudyante at kanilang mga magulang nang iabot sa kanila ang kanilang diploma at medalya, kaiba sa tradisyonal na pagmamartsa sa entablo.

Sinunod naman ng eskwelahan ang pagsusuot ng face mask at physical distancing sa seremonya at humingin rin ng pag-apruba mula sa Department of Education.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.