Una sa Balita

Bacolod pwedeng maging venue sa 2019 SEA Games

By
0 876

Kasama ang Bacolod City, Negros Occidental na planong pagdausan ng ilang events ng 30th Southeast Asian Games 2019 na itataguyod ng bansa sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission.

Napag-alaman kamakalawa kay Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Representative Mark Aeron Sambar ang bagay na ito.

Aniya, nagkausap sila noong Miyerkoles ni Mayor Evelio Leonardia sa Bacolod Government Center sa nabanggit na lugar at nagpasabi ang alkalde sa kagustuhang ma­ging isa sa punong abala ng tuwing dalawang taong palaro ng 11 bansa.

Kasapi si Sambar ng Philippine SEA Games Organizing Committee na pinamumunuan ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

“We have not yet discussed the areas in the provinces to be one of the venues, but I am sure Bacolod can still be included because of its history in hosting the SEA Games,” ani Sambar sa City of Smiles na nagdaos na rin noon ng ilang disciplines nang huling ganapin sa bansa ang 2005 SEAG.

“It is my pleasure to promote Bacolod as one of the cities for hosting a certain event for SEA Games because we need more help from the provinces,” dagdag niya.

Isa aniya sa nais ng Bacolod na laruin doon ay ang football.

Noong 2005 SEAG Bacolod, mga ginawa sa lungsod ang boxing, beach volleyball, indoor volleyball, soccer at weightlifting.

Ang iba pang balak ng PSC na pagsagawaan ng mga laro ng 2019 SEAG ay ang Metro Manila at Clark sa Pampanga.