Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bacolod nagtayo ng 9 COVID vaccination center

0 76

Binuksan ng city government ng Bacolod ang siyam na COVID-19 vaccination center para maturukan ang mga eligible priority group gaya ng frontline healthcare worker, senior citizen, at mga may comorbidity.

Pinangasiwaan nina Mayor Evelio Leonardia at Vice Mayor El Cid Familiaran ang pagbabakuna sa clustered vaccination center sa Barangay 39 noong Biyernes.

Ang mga vaccination center ay binubuo ng 7 clus- tered barangay at dalawang mall, ani Leonardia.

Dahil sa mga kabubukas na vaccination site, mapabibilis aniya ang rollout ng isa pang batch ng AstraZeneca na dumating nitong nakaraang Martes.

Kabuuang 21 barangay at clustered barangay ang nakatakdang magbukas ng kani-kanilang vaccination center mula Mayo 14 hanggang Mayo 21. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.