Una sa Balita

Bacolod magdo-donate ng P6M sa mga Taal bakwit

0 338

MAGPAPADALA ng P6 milyon bilang tulong-pinansyal ang Bacolod City para sa mga apektadong lugar ng pagputok ng Taal Volcano.

Ang nasabing halaga ay magmumula umano sa City Disaster Risk Reduction Office, ayon kay Mayor Evelio Leonardia.

Dagdag pa ni Leonardia, ipapadala sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government o League of Cities in the Philippines ang kanilang tulong.

“They are the ones to determine which areas really need such assistance,” ayon pa sa alkalde.

Ilalabas umano agad ang pondo mtapos maipasa ng City Council ang resolusyon para sa nasabing tulong pinansyal. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More