Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baclaran People’s Market aarangkada na

0 105

Tuluyan nang matutuldukan ang halos limang dekada na problema sa mga illegal vendor sa Baclaran matapos na pasinayaan ang P150 milyong Baclaran People’s Market (BPM) kasabay nang ika-23 taong cityhood anniversary ng Parañaque.

Ang proyekto ay tuluyan nang binigyan ng go signal ng Office of the President at Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, tutulong sa pagpondo ng proyekto po ang lokal na panahalaaan dahil hindi natuloy ang private-public partnership proposal sa isang pribadong construction firm.

Ang multi-level na people’s market building ay itatayo sa isang ektaryang lote sa kahabaan ng Roxas Blvd sa harap ng Redemptorist Church sa Baclaran.

Si MMDA Chairman Benhur Abalos ang guest of honor sa groundbreaking ceremony ng proyektong sasagot sa matagal ng problema ng halos 3,000 illegal vendor sa Baclaran.

“This important project is for the welfare of the people particularly the market vendors. It will not be a clearing operation in the area but this will be the ultimate solution to the problem of the city government for over 50 years,” sabi pa ni Abalos.

Sa kanyang maikling talumpati, sinabi ni Abalos na naglaan din ang MMDA ng karagdagang pondo sa nasabing proyekto ng Parañaque.

Matagal nang inirereklamo ang nagkalat na vendor sa Roxas Boulevard at Quirino Avenue na umano’y protektado ng sindikato at mga opisyal ng barangay. Madalas din maging mitsa ng aksidente ang pag-counterflow ng mga jeep, pedicab at tricycle sa mga kalsada sa paligid ng Baclaran at ang illegal parking sa lugar.

“Thousands of market vendors from Paranaque and nearby city of Pasay will be ‘consolidated’ in the new market,” paliwanag ni Olivarez.

Aniya, legal at magkakaroon na ng permanenteng lugar ang mga vendor dahil magbabayad na sila ng business permit na dagdag kita sa lokal na pamahalaan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.