Una sa Balita

Backpack, may kulay na water jug bawal

Ruta ng Traslacion bantay-sarado

By
0 431

NAKA-FULL alert ang Manila Police District (MPD) at nakalatag na rin ang seguridad para sa pagdaraos ng 2019 Traslacion sa Enero 9, araw ng Kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno.

“All systems go na po tayo, this coming Trasclacion activities,” ayon kay MPD Director P/Ssupt. Vicente Da­nao bilang ba­hagi ng inilatag na seguridad ng mga isasagawang checkpoint papunta at palabas ng Maynila.

Gayundin, mahigpit na ipinatupad ang ‘no vendor policy’ sa paligid ng Quiapo Church at Quirino Grandstand kung saan isasagawa ang pahalik at sa lahat ng ruta ng prusisyon.

Sarado na rin kahapon ang south bound lane ng Quezon Blvd. mula A. Fugoso hanggang Plaza Miranda at west bound lane ng España Blvd. mula P. Campa hanggang Lerma St.

Ipinagbabawal rin ang pagdadala ng mga patalim, armas, backpack at may kulay na canister o water jug.

Mahigpit rin na ipinagbabawal ang pagpapaputok ng mga firecracker sa panahon ng Traslacion hanggang maibalik ang imahe ng Poon ng Itim na Nazareno sa Manor Basilica.

Ngayong alas-otso nang umaga ipatutupad na ang liquor ban hanggang sa matapos ang Traslacion.

Sa mismong ataw naman ng Traslacion sa Enero 9 ay papatayin ang signal ng cellphone sa dadaanan na ruta ng prusis­yon, ipatutupad ang no fly at no sail zone.

Hinikayat rin ang mga deboto na huwag nang magdala ng cellphone, malaking halaga ng pera, magsuot ng mga alahas dahil tiyak na marami ang masasamang loob na magsasamantala sa sitwasyon at kung maaari ay huwag nang magsama ng bata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy