Una sa Balita

Backcourt isasagupa ni Pumaren

By
0 2

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. – UE vs. NU
4 p.m. – Ateneo vs. Adamson

Malaki ang tiwala ni Adamson coach Franz Pumaren sa kanyang backcourt kaya ibabangga niya ang mga ito para subukang basagin ang unbeaten seven-game run ng Ateneo ngayon sa 80th UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nakapuwesto sa third spot sa 5-2 karta, sisikapin ng Soaring Falcons na dagitin ang panalo para akbayan ang defending champion De Salle (6-2) sa second place.

 Mag-isa sa tuktok ang Blue Eagles.

Naniniwala si Pumaren na kayang makipagsabayan ang kanyang backcourt players sa mga ibang tigasing teams gaya ng Ateneo.

“I’m not trying to be biased, but I’m confident with my backcourt. I think our backcourt right now, you can always put them in the (conversation) to be considered as the top backcourt players right now,” pagmamalaki ni Pumaren.

Kumana si Jerrick Ahanmisi ng 17 points kasama ang tatlong triples, nagtala si Rob Manalang ng 11 points nang talunin ng Adamson ang FEU 95-79 noong Sabado.

Tumikada rin sina Jonathan Espeleta at Papi Sarr ng 17 at 14 markers sa Falcons.