Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Back-up ni Yap, todo ensayo

0 41

UNTI-UNTI nang nagagamay ng mga bagong dating sa Rain or Shine ang sistema ng bagong coach ding si Chris Gavina, pero biglang natigil ang ensayo dahil humigpit muli ang quarantine level sa NCR at mga karatig-probinsiya.

Mula March 29, isang linggo ang enhanced community quarantine sa NCR-plus bubble. Pagdating ng April 4, pinalawig ang ECQ ng isang linggo pa.

Magiging up-tempo ang laro sa pagdating ng mga sariwang tuhod na pinik-ap sa nakaraang rookie draft na sina Santi Santillan, Franky Johnson, Anton Asistio at Andrei Caracut.

Mainam na sahog kina Rey Nambatac at Javee Mocon, at sa veteran core nina James Yap, Gabe Norwood at Beau Belga.

SM food to go Banner Ad

Dahil ECQ, tigil ang small-group workout ng Painters.

“Sayang, eh,” bulalas ng coach na pumalit kay Caloy Garcia. “Honestly, we’ve been having a great rhythm these past weeks with regards to our group training and now parang ‘di moa lam kung ano’ng mangyayari sa lockdown natin.”

Bagama’t mahirap, kahit nasa bahay ay hindi dapat mawala ang kondisyon ng players.

“It’s hard to, really, motivate guys during our Zoom workouts,” dagdag ng coach. “But we’re trying our best to keep guys parang locked-in in their training and try to get as much conditioning as they can and in what they can do. We just ask them to stay active.” (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.