Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Back To The Futureangat sa 2YO Maiden

0 150

INAASAHANG horse-to-beat ang Back To The Future sa magaganap na 2-Year-Old Maiden Race na ilalarga ngayong araw ng Huwebes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Patok sa karera tipsters ng programa ang Back To The Future na rerendahan ni class A rider JA Guce subalit ayon sa ibang karerista ay kursunada naman nila ang kabayong Rap Bell na sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez.

“Tingin ko puwedeng sumilat kay Back To The Future ay si Rap Bell,” saad ni Marlon Agoncillo, karerista.

May distansyang 1,300 metro ang ibang kalahok ay sina National Treasure at Advance Party, pakakawalan ang nasabing karera sa Race 2.

Nakalaan ang added prize na P10,000 sa unang kabayong tatawid sa meta, inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Samantala, siyam na races ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw, tiyak na masisiyahan ang mga karerista dahil balanse ang lineup ng bawat laban. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.