Una sa Balita

Back-to-back sa Warriors — Pacquiao

By
0 1,327

KAHIT puspusan sa kanyang ensayo para sa July 15 clash kay WBA welterweight champion Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, may panahon pa rin ang eight-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao para subayba­yan ang mainit na 2018 NBA Finals sa pagitan ng defending champions Golden States Warriors at Cleveland Cavaliers.

At bilang isang fan ng NBA, hindi nahiyang maglabas ng opinyon ang 39-anyos na boxin­g legend­ kung sino sa tingin niya ang magkakampeon ngayong taon.

“You’re asking me who I think will win in the NBA finals between Golden State and Cleveland?” Tila gulat pang tanong ng fighting senator. “Siyempre Warriors na ‘yan. Back-to-back.”

Paliwanag pa ng boksingerong, maraming Pinoy ang napapasaya ng Warriors. “Besides the reason I already told you, hundreds of thousands of Filipinos in the U.S. and even here, or maybe millions, are praying for another Warriors win and I believe they will,” aniya.

Beast mode na sa kanyang training si Pacquiao at patuloy na sa kanyang sparring sessions para sa tangkang pag-agaw ng korona ng Argentinian champ.