Una sa Balita

Back rider napuruhan sa Cavite road accident

0 423

PATAY ang isang 19-anyos­ na lalaki na angkas sa isang motorsiklo matapos na banggain at humapas ang ulo nito sa isang nakaparadang container van sa Cavite City.

Namatay habang ginagamot sa Bautista Hospital ang bikimang si Vincent Simpas, binata ng Brgy. 61A, Samonte Park, Cavite City habang sasai­lalim naman sa X-ray at CT scan ang driver ng kulay itim na motorsiklong Honda beat, walang plaka na si Ralph Goodfellow, 18, empleyado sa isang Furniture shop at residente ng Brgy. 60, Samonte Park, Cavite City.

Sa ulat ni PO1 Richard Glean ng Cavite City Police Station, minamaneho ni Goodfellow ang kanyang motorsiklo at angkas naman si Simpas at habang binabagtas ang kahabaan ng Samonte Park ng nabanggit na lungsod nang banggain nito ang isang nakaparadang container van na pinaglalag­yan ng mga dokumento ng Cavite City, MTC Branch No. 1, dakong alas-12:05 kamakalawa nang tanghali.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon si Simpas at humampas ang katawan sa van na nagresulra sa kanyang kamatayan.

Walang suot na helmet ang mga biktima at wala rin umanong lisensiya sa pagmamaneho si Goodfellow. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy