Una sa Balita

Bachmann: Mga pasilidad alanganin kung matatapos

0 327

Nagdesisyon na si Philippine Squash Academy (PSA) president Robert Bachmann na isagawa na lamang ang kanilang paglalabanan na events sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games sa lumang pasilidad sa Polo Club dahil sa kawalang kasiguraduhan na matatapos ang itinatayong bagong pasilidad sa loob ng Rizal Memorial.

“We will have our events at the Polo Club,” sabi ni Bachmann, matapos naman tumanggi ang una nitong napili na Kerry Sports na siyang pagsagawaan dapat ng anim nitong events na men and women singles, doubles at jumbo doubles at mixed team.

Ipinaliwanag ni Bachmann na itinakdang matapos ang itinalagang pasilidad sa Nobyebre 28, ilang araw bago ang pagsasagawa ng tradisyunal na seremonya na magbubukas sa kada dalawang taong torneo sa Nobyembre 30.

“Saka pa lang ikakabit ang mga equipment after that, and then tetestingin pa din. Pagkakabit ay start na agad ng tournament ng December 1. Hindi na makakapag-ensayo ang mga player at hindi na din masusubok kung maayos nga ba ang facilities,“ sabi naman ni Bachmann.

Hanggang sa kasalukuyan ay hinihintay rin ng iba pang asosasyon ang kanilang mga gagamitin na pasilidad at mga kailangan na equipment tulad sa athletics, gymnastics, shooting, athletics at skateboarding.

Unang inireklamo ng mga national sports association (NSA) ang proseso kung saan dadaan sa bidding at maibigay sa isang contractor ang pagbili ng kailangang equipment bago tuluyang aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng ibababayad dito na pondo.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin dumadating ang mga pasilidad na nauna nang binili ng ahensiya ng Philippine Sports Commission (PSC) na dahilan upang mangamba ang mga mamahalang NSAs.

Umabot na sa kabuuang 30 ang mga NSA na naaprubahan ang kanilang bibilhing pasilidad kung saan nito lamang nakaraang linggo nakumpleto ang iba pang asosasyon pati na rin ang iba pang pangangailangan para sa paghohost ng bansa naaprubahan sa isinagawang bidding process. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy