Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baby shark inagaw ng agila sa mangingisda

0 38

Inakala ng isang ma­ngingisda sa Florida, United States of America na naka-jackpot na siya matapos makabingwit ng isang maliit na pa­ting.

Ngunit bago pa niya mahawakan ang nahuli ay kinuha na ito ng isang agila.

Ayon sa isang video na pinost sa TikTok, namimingwit ng isda sina Amanda at Chad Rissman at kanilang mga kamag-anak sa may Dunedin Causeway.

Nakatsamba si Chad na makahuli ng isang maliit na pating.

Ngunit habang hinihila na ito ng lalaki papalapit sa kanya ay biglang umeksena ang isang bald eagle at hindi na pinakawalan ang nagpupumiglas na baby shark.

Wala nang nagawa ang mangingisda kundi ang hayaan ang agila na kainin ang kanya sanang huli. (Mark Joven De­lantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.