Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baby sa kalye sinalba ng mga bumbero

0 401

Naging maagap sa pag-rescue ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isang ginang na nanganak sa gilid ng kalsada sa Lasam, Tugegarao City.

Ayon sa salaysay ni Fire officer 1 Dustin Bosi ng BFP-Lasam, may tumawag sa kanilang tanggapan upang ipagbigay alam ang panganganak ng isang Agta na kinilalang si Perla Danao sa gilid ng kalsada sa Bgy. Centro 2.

Sambit ng residente, pauwi na si Danao at ang kanyang mga magulang mula palengke nang biglang sumakit ang tiyan nito at tuluyan nang nanganak sa may waiting shed.

Nailabas na ni Danao ang babaeng sanggol bago pa man dumating ang mga tauhan ng BFP-Lasam ayon kay Bosi.

Agad namang dinala ng mga bombero si Danao at ang kanyang anak sa Lasam District Hospital.

Naging mabuti naman ang kalagayan ng mag-ina at patuloy na inoobserbahan sa ospital. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.