Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baby pinangalanang ‘Department of Statistical Communication’

0 59

Maiisip niyo bang pangalanan ang inyong mga anak kasunod ng mga government agency tulad ng Department of Health (DOH) at iba pa?

‘Yan ang ginawa ng isang tatay mula sa Indonesia nang magbigay ng kakaibang pangalan sa kanyang bagong silang na anak.

Sa report ng Daily Mail, isang 38-anyos na ama ang nagdesisyong tawagin ang kanilang anak na ‘Dinas Komunikasi Informatika Statistik’ o ‘Department of Statistical Communication’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Slamet Wahyudi, kaya niya napili ang nasabing pangalan ay dahil gusto niyang magbigay ng tribute bilang civil servant.

Hindi rin nahirapan si Wahyudi na kumbinsihin ang kanyang misis dahil nagkaroon sila ng kasunduan na kapag lalaki ang kanilang anak ay siya ang masusunod sa pangalan.

Para naman hindi mahirapan ang baby, binigyan na rin nila ito ng palayaw na ‘Dinko’. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.