Una sa Balita

Baby nina John Lloyd, Ellen super cute

By
0 2,795

Totoo nga ‘yung tsikang nanganak na si Ellen Adarna dahil ilang taga-Cebu na kilala ko ang tinanong ko tungkol doon at “OO” ang palaging sagot sa akin.

Mismong friend daw kasi ni Ellen ang nagkumpirma sa kanila na nanganak na nga ang lovey-dovey ni John Lloyd Cruz.

“Pero ayaw naman nilang magbigay ng details. Pero sure na ‘yon, friend ni Ellen ang nakausap ko,” sabi ng isang taga-Cebu na nakatsikahan ko.

Ang isa pang nakatsikahan ko na taga-Cebu ay malapit mismo sa auntie ni Ellen.

“Kausap ko kahapon si Tita (name ng auntie ni Ellen). Ang cute nga raw ng baby. Sabi pa, sayang daw, sana sinabi ko at isasama niya ako sa hospital, nahiya naman ako.

“Pero hindi naman na yata nila inililihim na nanganak na si Ellen,” sabi pa ng isang kausap ko.

Ang mga fan naman ni John Lloyd, pati na rin ni Ellen, ay umaa­sang darating ang araw na hindi na ipagkakait ng mag-sweetheart ang kanilang anak at ipapa­kita na rin ‘yon sa public.

Lani sa ‘Pinas na ulit titira

Maraming mga tagahanga naman ni Lani Misalucha ang naniniwalang simula lang ang ‘The Clash’ ng tuluyang pagpapaka-active ng Asia’s Nightingale sa kanyang career dito sa Pilipinas.

Puwede naman daw na mag-concert pa rin palagi sa ibang bansa si Lani, pero puwedeng dito na siya mag-base uli.

In fairness, maraming natuwa nang tanggapin ni Lani ang pagiging judge sa bagong singing­ competition show ng GMA 7.

Sana nga raw, isang weekly musical show na kasama si Regine Velasquez-Alcasid ang isunod ng Kapuso network pagkatapos ng ‘The Clash’.

Kapag weekly musical show naman kasi, puwedeng mag-tape kapag magsu-show si Lani abroad.

Anyway, sa Saturday na ang simula ng ‘The Clash’ at mapapanood din ‘yon tuwing Sunday. (Jun Lalin)

Yasmien, Mike lakas magpakilig

Kahit parehong married na sina Yasmien Kurdi at Mike Tan, in fairness, marami pa rin ang kinikilig kapag may mga eksena together sila sa ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka.’

Marami pa rin sa loyal viewers ng afternoon series na ‘yon ang nagsasabing bagay sina Yasmien at Mike. Pero in fairness naman sa mga fan ng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’, tanggap naman nila na sa totoong buhay ay may ibang mga minamahal ang dalawa at hindi naman sila nangangarap na sana ay maging magkarelasyo na sina Yasmien at Mike, huh!

Anyway, consistent sa pagkakaroon ng mataas na rating ang ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka!’ (Jun Lalin)

Prinsipe ni Vice inaabangan ng mga fan

Habang may mga nagtsitsikang malamang na makasama si Maine Mendoza sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 official entry nina Vic Sotto at Coco Martin, patuloy namang pinananabik ni Vice Ganda ang kanyang mga fan kung sino nga ba ang gaganap na ‘The Prince’ sa MMFF 2018 entry niya na ‘Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya.’

Hindi pa rin kasi talaga nila ibinubuking kung sino ang aktor na lalabas sa papel na ‘yon. Pero sabi naman ng isang taga-Star Cinema na nakatsikahan ko, for sure raw, next week ay malalaman na kung sino ang aktor na ‘yon, huh!

Sa ngayon, hanggang guess muna ang puwedeng gawin ng mga excited na sa ‘Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya’ MMFF 2018 ni Vice na ngayon pa nga lang ay hinuhulaang mangunguna na naman sa takilya! (Jun Lalin)