Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Baby’ ni Julia super puti

0 2,029

Mahihirapang i-bash o sabihan ng kung anu-anong masasamang salita si Julia Montes, lalo na sa isyu o kaya ay pilitin siyang paaminin sa diumano ay pagkakaroon nila ng anak ni Coco Martin.

Naka-“limited comment” kasi ang Instagram ni Julia, na ang ibig sabihin ay kontrolado niya ang mga comment.

Pero siyempre, nabuhay na naman ang pangungulit sa aktres tungkol sa diumano ay pagkakaroon niya ng baby, nang ibalandra ni Sofia Andres ang kanyang anak sa social media nitong Father’s day.

Anyway, nakakatuwa lang na nagposte si Julia sa kanyang Instagram ng pinu-promote niyang eye protection para sa mga pet dogs. Nasa larawan ang product at katabi nito ang alaga niyang white furry doggie na tinawag niyang “baby”.

“When it comes to my baby Uni..i only trust,” sabi niya.

Well, kung naka-open ang comment section ni Julia para sa lahat, siguradong pinutakti na ito ng kung ano-anong mga salita lalo at ‘baby’ ang ginamit niyang pagpapakilala sa alaga niya, na saksakan ng puti. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.