Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baby ni Carlo binantaang papatayin

0 84

Pinayuhan si Carlo Aquino ng mga netizen na maghain ng reklamo sa N.B.I. (National Bureau of Investigation) laban sa basher o hindi na nga lang yata basher na matatawag—sa pananakot o threat nito na papatayin ang ilang buwan pa lang na anak nila na si Trina Candaza.

Nilabas ni Carlo sa kanyang IG stories ang pangti-threat ng basher sa kanilang baby. Ilan sa mga ito, “Ansarap mo namang patayin bata ka.” “Mukha kang tutang ina.” “Anak ka ng artista pero mukha mo parang tutang ina.” “Gawin kaya kitang punching bag para mawala na yang mukha mo.”

Kasabay nito ang sagot ni Carlo na, “full grown adults who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyari sa mundong ito? Papano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod niyo para gawin ito? Worth it ba?”

Kaya ang payo ng netizen sa actor, mag-file ito ng case sa N.B.I. Cybercrime.

Sinabihan din si Carlo na wala raw mangyayari kung ipo-post niya lang. Ang dapat ay i-report niyang talaga para ma-track din ng cybercrime.

Mga artista nagkasakit sa lock in taping

Kasabay ng paglalagay sa MECQ mula sa ECQ ng NCR plus, nag-post sa kanyang Facebook status ang Mister ni Jolina Magdangal, ang leader ng Rivermaya band na si Mark Escueta.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngayong MECQ na kasi sa Metro Manila, kahit na hindi pa rin naman bumababa ang mga nagpo-positibo sa COVID-19, ina-allow na ang pagre-resume ng mga taping, shooting ng productions.

Provided daw na hanggang 50 pax lang talaga.

Nag-react si Mark at sinabing, “50pax talaga sa Production Shoots? At any given time?! Last year nga 10-15pax lang wala pang killer variant.

Just because allowed na, di ibig sabihin na hindi na delikado.

Sana yung mga production people nasa tama ang priorities. Safety first.

Kung alam niyo lang kung ilan talaga ang nagpo-positive sa production shoots, maiintindihan niyo ang takot ko.”

Sa isang banda, may punto ang pamumuna niya dahil sa mga nangyayari. May mga hindi na lang talaga ipinapaalam sa publiko, pero may mga nagpo-positibong mga artista kahit na galing ito sa lock-in taping.

Sinagot din ni Mark ang Facebook friend na nag-comment sa post niya. At ayon kay Mark, “Tapos dishonest pa. May iba magtatago ng symptoms. I know we all need work but we need to fix this problem asap. Too many good people lost already.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.