Una sa Balita

‘Baby’ ni Anne patataubin sina Scarlet, Zia

0 380

Enjoy na enjoy sa baby filter ng Snapchat ang host/actress na si Anne Curtis, kaya naman talagang pinaglaruan niya ang mukha niya sa pamamagitan nito at makikita ang pagkatuwa niya sa kanyang itsura na ipinost niya sa kanyang Instagram story.

Maya’t maya naman ay kinukuha na rin ng ibang fan ang screen capture ng IG story na iyon. Sinabi ng mga ito na ganoon ang aasahan nilang itsura ng baby kapag nagkaroon na ng anak si Anne at ang asawang si Erwan Heussaff.

Maaari ring mas cute pa ang posibleng maging anak nila ni Erwan dahil guwapo’t maganda naman silang mag-asawa, ang nakita lang kasi ay purong itsura ni Anne. Hindi pa raw nahahaluan ng genes ni Erwan. So what more kapag ipinagsama na ang itsura nilang dalawa? Baka raw mapataob nito sina Scarlet Snow na anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr., o si Zia Dantes na anak naman nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Anyway, matagal na ngang inaabangan ng mga fan na magkaroon na ng baby sina Anne at Erwan kaya na-excite sila nang makita ang baby filter ni Anne. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy