Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baby ng 16-anyos, tsugi sa COVID

0 52

Kabilang ang anim na araw na batang lalaki sa mga namatay nang dahil sa COVID-19 sa Davao del Norte.

Ito ang ini-report ng Inter-agency Task Force ng Santo Tomas sa Davao del Norte.

Sa report, ipinanganak ang sanggol sa isang birthing clinic na ang ina ay 16 taong gulang mula sa Barangay New Katipunan sa Santo Tomas.

Ang pasyente ang ika-177 na kasong COVID-19. Ang Santo Tomas LGU ang siyang sumagot sa pagpapalibing sa sanggol.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“To date, the Santo Tomas town has logged 180th confirmed cases of COVID-19 with Santo Tomas IATF noting that majority of cases stemmed from social and mass gatherings,” sinabi ng Municipal Information Office sa Facebook post.

Nitong Abril 3, ang Davao del Norte ay 3,425 confirmed case at 285 active case.

Bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Davao del Norte sa nagdaang mga araw. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.